Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Lebron inilusot ang Lakers sa Rockets | Pilipino Star Ngayon

LOS ANGELES — Kumambyo si LeBron James ng season-high 37 points, kasama ang isang free throw sa huling 1.9 segundo, sa 105-104 pagtakas ng Lakers sa Houston Rockets.

Ito ang pang-limang 30-point game ni James ngayong season para sa Los Angeles (8-6) na nakahugot kay Anthony Davis ng 27 points at 10 rebounds habang may 17 markers si Austin Raves.

Si James ang naging ikaapat na player sa NBA history na may 10,500 assists at nakatabla si Vince Carter sa seventh place sa 3-pointers list sa kanyang 2,290 triples habang inu­ngusan si Clyde Drexler para sa eighth spot sa steals list sa 2,208 steals niya.

Itinabla ni Alperen Sengun ang Rockets (6-5) sa 104-104 sa huling apat na segundo ng fourth period bago na-foul ni Tari Eason si James sa natitirang 1.9 segundo.

Sa Memphis, umiskor si Kristaps Porzingis ng 26 points sa 102-100 pag-eskapo ng Boston Celtics (11-2) sa Grizzlies (3-10).

Sa Cleveland, tumipa si Darius Garland ng 26 points at nag-ambag si undrafted rookie Craig Porter Jr. ng career-high 21 points sa 121-109 pagdaig ng Cavaliers (7-6) sa defen-ding NBA champion Denver Nuggets (9-4).

Sa New York, nagsumite si Joel Embiid ng 32 points, 12 rebounds at 9 assists sa 121-99 panalo ng Philadelphia 76ers (10-3) sa Brooklyn Nets (6-7).

Sa Toronto, kumana si Pascal Siakam ng 23 points at may tig-17 markers sina Scottie Barnes at Dennis Schroder sa 142-113 pagmasaker ng Raptors (6-7) sa Detroit Pistons (2-12).

Nagtala ang Toronto ng franchise-record 44 assists matapos pumoste ng 40 noong Nobyembre 18, 2019 laban sa Charlotte Hornets.

Read more on philstar.com