Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Cignal kokonekta sa ika-2 panalo | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Napapantayan ng inspiradong paglalaro ni Judith Abil ang pagkawala pansamantala ni libero Dawn Macandili-Catindig sa Cignal HD sa 2024 Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Confe­rence.

Sa 25-18, 25-21, 25-16 paggupo ng HD Spikers sa Choco Mucho Flying Titans ay nagtala si Abil ng 15 excellent digs at walong receptions.

“Every tuneup namin gagamitin ko siya sa service hanggang sa parang sabi ko, malaki ‘yung potential niya sa libero kasi ‘yun din ‘yung kailangan naming ma-improve,” ani coach Shaq delos Santos kay Abil na dating wing spiker.

Target ng Cignal na masolo ang liderato sa Pool B sa pagharap sa ZUS Coffee ngayong ala-1 ng hapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Ito rin ang hangad ng nagdedepensang Petro Gazz sa pagsagupa sa Capital1 Solar Energy sa alas-5 ng hapon at ng Akari sa pakikipagtuos sa Choco Mucho sa alas-3 ng hapon.

Kasalukuyang nasa training camp sa Japan sina Macandili-Catindig at Vanie Gandler kasama ang Alas Pilipinas.

At si Abil ang inaasa­hang magbibigay ng lakas sa HD Spikers kontra sa Thunderbelles na nagmula sa 16-25, 21-25, 21-25 kabiguan sa Gazz Angels.

“Unang una, thank you sa tiwala. Sa mga coaches, sa mga teammates na nagtiwala sa akin kasi iyong transition hindi madali pero sa tulong ng mga coaches and teammates madali iyong trabaho,” wika ni Abil.

Bukod kay Abil, aasahan din ng Cignal sina import MJ Perez, Ces Molina, Chin Basas, Gel Cayuna, Roselyn Doria at Riri Meneses katapat sina Japanese spiker Asaka Tamaru, Gayle Pascual, Michelle Gamit, Jade Gentapa at Dolly Verzosa ng ZUS Coffee.

Puntirya din ng Petro Gazz ang ikalawang sunod na panalo kontra sa Capital1 na nakalasap ng 18-25, 25-27, 25-22, 14-25 kabiguan sa Akari.

Read more on philstar.com