Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

DFA: Nambihag sa 17 Pinoy sa Yemen 'walang banta ng pananakit' | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Positibong ibinalita ng Department of Foreign Affairs (DFA) na hindi nagbabanta ng pananakit ang mga rebeldeng Houthi matapos bihagin ang nasa 17 Pinoy seafarers sa Yemen, bagay na protesta raw laban sa Israeli offensive sa Palestine.

Ito ang ibinahagi ni Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega sa panayam ng ANC ngayong Biyernes patungkol sa sitwasyon ng mga mandaragat.

"It appears that way [that this is a political protest] because that is what they've been saying. And they're saying that they will continue to do it as long as the Israelis are occupying and attacking Gaza," ani De Vega kanina.

"So far none [no threats to hurt the hostages if Israel doesn't respond]. We'd like to assure our public of that. And neither are our kababayans targeted because they are Filipinos. No. It's the ship that's targetted."

Ang Bahamas-flagged, British-owned ship ay sinasabing may kaugnayan sa Israeli businessman na si Abraham "Rami" Ungar. Pinatatakbo naman ito ng Japanese firm.

Sinasabing kaalyado ng mga Houthi ang Hamas at gobyerno ng Yemen. Patuloy ang pakikipagbakbakan ang Hamas atbp. grupo sa mga Israeli, na kilalang iligal na umookupa sa estado ng Palestine, ayon na rin sa United Nations. Gayunpaman, nagkasundo ang mga panig sa apat na araw na ceasefire.

"We have reason for optimism because of the truce, which is set to begin in a few hours. So hopefully it will lead to, if not rescue, their release," dagdag pa ni De Vega.

Ngayong linggo lang nang ibalitang magkakaroon ng apat na araw na tigil-putukan sa pagitan ng Israel at mga grupong Palestino kapalit ng pagpapalaya ng 50 Israeli hostages.

Positibong sinalubong ng Hamas ang "humanitarian truce" na siya namang magiging hudyat din ng pagpapalaya ng Israel sa 150 Palestinians.

Huwebes lang nang iulat ng gobyerno ng Gaza sa Palestine na umabot na sa 14,854 ang namamatay sa naturang teritoryo simula nang pumutok ang digmaan noong ika-7 ng Oktubre sa pagitan ng Israeli forces at mga militante.

Kabilang sa mga namatay ang 6,150 bata at 4,000 kababaihan, maliban pa sa 36,000 sugatan.

Nasa 1,200 katao naman ang sinsabing napatay ng mga Palestinong militante sa Israel, maliban pa sa pagkuha ng nasa

Read more on philstar.com