Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

E-Painters ipininta ang unang panalo | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpasikat ang mga rookies ng Rain or Shine, habang naglista si balik-import Aaron Fuller ng double-double sa 110-97 paggiba sa Blackwater sa PBA Season 49 Governors’ Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Humakot si Fuller ng 24 points at 19 rebounds para sa 1-0 record ng Elasto Painters na nakahugot ng kontribusyon kina 2024 No. 7 pick Caelan Tiongson, Felix Lemetti at Luis Villegas.

“Our focus was really just to be able to play our game,” ani coach Yeng Guiao. “Fast phased game, we wanted the guys to feel good about taking their shots when they’re open.”

Tumapos si Tiongson na may 15 markers, habang may 12, 11 at 10 points sina Leonard Santillan, Lemetti at Gian Mamuyac, ayon sa pagkakasunod.

Inilista ng Rain or Shine ang 21-point lead, 83-62 sa pagtatapos ng third period bago nakadikit ang Blackwater sa 78-90 tampok ang tatlong three-point shots ni James Kwekuteye.

Huling nakadikit ang Bossing sa 92-102 sa dulo ng fourth quarter habang ang dalawang tres nina Anton Asistio at Villegas ang muling naglayo sa Elasto Painters sa 108-93 sa 1:08 minuto ng laro.

Samantala, isasalang ng Terrafirma ang mga bagong hugot na sina dating Ginebra mainstays Christian Standhardinger at Stanley Pringle sa pagsagupa sa Converge nga­yong alas-5 ng hapon.

“Kailangan lang talaga mag-jell ulit. Hopefully, it will just take us a few games para ma-develop ‘yung chemistry,,” ani Dyip coach Johnedel Cardel. “May mga nawala man, mga quality players naman kapalit so mas lumalim ang bench ko.”

Sa alas-7:30 ng gabi haharapin ni eight-time PBA MVP June Mar Fajardo at ng San Miguel ang Phoenix.

Read more on philstar.com