Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

EDITORYAL - Bawiin ‘7’ at ‘8’ na mga plaka | Pang-Masa

SINABI ng Metro Manila Development Authority­ (MMDA) noong Nobyembre 15, 2023 na ang mga maaaring gumamit ng EDSA Busway ay ang convoys­ ng Presidente, Bise Presidente, Speaker of the House, Senate President, at Chief Justice ng Korte Suprema.

Ang sinumang dadaan sa Busway ay pagmumultahin ng P5,000 sa unang offense; P10,000, at isang buwan na suspension ng driver’s license sa second offense; P20,000 at suspension ng driver’s license sa loob ng isang taon sa third offense, at P30,000 at pag­bawi ng driver’s license sa mga susunod na offenses.

Pero sa kabila ng mga babala at panawagan ng MMDA, marami pa rin ang mga pasaway na motorista­ na dumadaan sa Busway. Sa report ng MMDA, ang mga karaniwang lumalabag ay mga sasakyang may plakang nagtataglay ng numero “7” at “8”. Ang numero “7” ay para sa mga senador samantalang ang “8” ay para sa mga congressmen.

Isa sa mga nahuli ng enforcers ay ang sasakyan ni Sen. Bong Revilla noong nakaraang Nobyembre. Nang parahin, sinabi ng driver na ang sakay niya ay si Revilla. Ganunman, tinanggi ni Revilla na sa kanya ang sasakyan. Nagkaroon pa ng argumento sa pagitan ni Revilla at pinuno ng MMDA na si Bong Nebrija. Makaraan iyon, humingi ng paumanhin si Nebrija kay Revilla.

Noong Huwebes, 30 motorista ang nahuling dumadaan sa Busway at karamihan sa mga sasakyan ay may plakang “7” at “8”. Bukod sa mga sasakyang ito, may mga dumaan ding sasakyan na ang lulan ay basketball player, mga miyembro ng Philippine National Police at mga sasakyan ng Department of National Defense at Philippine Marine Corps.

Grabe ang nangyayaring ito na kung sino ang mga mambabatas ay sila pa ang lumalabag sa batas. Kung sino ang dapat manguna at gawing halimbawa ng mamamayan ay sila pa ang pasaway na duma­daan sa busway. Ganito na ba kamangmang ang mga mambabatas na hindi alam ang batas? Napakasimple naman ang paunawa na hindi dapat dumaan sa busway pero ginagawa pa rin nila. Gusto nilang maging­ maalwan sa  pagbibiyahe at ayaw maabala ng trapik.

Noong nakaraang taon, pinag-utos ng House of Representatives na bawiin ang mga plakang “8”. Pinasusurender lahat ito. Pero bakit marami pa rin ang gumagamit at patuloy na dumadaan sa EDSA?

Samsamin ang mga plaka

Read more on philstar.com