Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

QCPD nag-public apology sa pagkalat ng bidyo ng pagkamatay ni Ronaldo Valdez | Pang-Masa

MANILA, Philippines — Naglabas ng public apology ang Quezon City Police District (QCPD) sa pamilya ng singer-songwriter na si Janno Gibbs dahil sa hindi otorisadong pagkalat ng video na nagpapakita ng bangkay ng kanyang ama – ang beteranong aktor sa pelikula at telebisyon na si Ronaldo Valdez, na namatay noong Disyembre 17.

Ayon kay QCPD Director PBGen. Redrico Maranan, tinatanggap nila ang bigat ng maling pagpapasya ng ilan nilang mga tauhan at lubos nila itong ikinalulungkot.

“Tayo ay taos-pusong humihingi ng paumanhin sa lahat ng pamilya ng Gibbs ganun din sa kanilang mga kaibigan dahil sa sabihin na natin na sakit na naidulot noong paglabas ng video sa iba’t-ibang social media platforms kung saan involved ang isang police sa pagkuha ng video,” ani Maranan.

Sinabi ni  Maranan na agad nilang  aaksiyunan ang pagkakasangkot ng kanilang mga tauhan at mahaharap ng kaukulang administrative charges.

Limang police officers ang nahaharap sa kasong administratibo kabilang ang Neglect of Duty; Grave Irregularity in the Performance of Duty, Grave Misconduct in relation to R.A. 10173 (Data Privacy Act of 2012) at R.A. 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012), Conduct Unbecoming of a Police Officer, at Grave Misconduct in relation to P.D. 1829 (Obstruction of Justice), kasama ang pagkakatanggal mula sa serbisyo ang maximum penalty.

Paliwanag pa ni  Maranan, ang kasong Neglect of Duty ay isinampa na laban sa tatlong police officers sa ilalim ng doctrine of command responsibility.

Mahaharap din sa kasong paglabag sa R.A. 10173 (Data Privacy Act of 2012) at R.A. 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012) ang mga sibilyan na nagpapakalat ng naturang video.

Read more on philstar.com