Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Fajardo hindi makapaniwala sa 7th MVP award | Pang-Masa

MANILA, Philippines — Hindi makapaniwala si San Miguel Beer center June Mar Fajardo na makukuha nito ang ikapitong MVP award sa Philippine Basketball Association (PBA).

Ikinuwento ni Fajardo ang pinagdaanan nitong aberya sa nakalipas na kumperensiya noong 2022-23 season.

Matatandaang ilang beses itong hindi nakapag­laro sa Commissioner’s Cup matapos sumailalim sa laryngeal fracture procedure na nakuha nito sa laban ng SMB at Rain or Shine noong Oktubre ng nakaraang taon.

Nakabalik ito sa pag­lalaro sa playoffs subalit natalo ang Beermen sa semis kontra sa Bay Area.

Noong Marso, nagtamo naman si Fajardo ng MCL (medial collateral ligament) injury sa kaliwang tuhod sa laro ng San Miguel Beer sa East Asia Super League Champions Week.

Sa kabila ng lahat, nagawa pa rin ni Fajardo na makuha ang MVP award.

“I never expected to be able to come back and play and still compete at this level after my injuries. I had a major injury but still I was able to make it back,” ani Fajardo.

Nais ni Fajardo na ialay ang kanyang tagumpay pangunahin na sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang namatay na ina.

Si Fajardo pa lamang ang player na nanalo ng pitong MVP titles sa liga.

Tanging apat na MVP awards lamang ang nakuha nina PBA legends Ramon Fernandez at Alvin Patrimonio.

Read more on philstar.com