Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

UP babangga sa La Salle sa Finals | Pang-Masa

MANILA, Philippines — Nagmartsa sa finals ang University of the Phi­lippines matapos nilang patalsikin sa trono ang A­teneo, 57-46 sa semifinals ng UAAP men’s basketball na nilaro sa Araneta Coliseum kahapon.

Tatlong sunod na season ng sumasampa sa championship round ang UP na sinandalan sa opensa si reigning MVP Malick Diouf.

Tumikada si Diouf ng 12 points, 16 rebounds, tatlong steals at tatlong blocks para sa Fighting Maroons na lumabas ang bangis sa second half.

Naghahabol ang UP sa unang dalawang quarters, nakalamang ang  Ateneo ng tatlo, 22-25 sa halftime.

Pero sa third quarter ay nagsimula ng mag-init ang opensa ng Fighting Maroons, naagaw nila ang bentahe sa 42-37 sa pag­tatapos ng third canto.

Naglaro sa Final Four ang Diliman-based squad, na tangan ang twice-to-beat advantage matapos ilista ang 12-2 karta at hawakan ang No. 1 seed.

Ibinibigay ang bonus sa top two teams sa pagtatapos ng 14-game double round robin, napunta ang isa sa De La Salle University Green Archers, (11-3).

Si Chris Koon ang namuno sa opensa para sa Ateneo matapos magtala ng 10 markers.

Hindi na pinatagal ng De La Salle University ang semifinal match nito sa National University matapos panain ang 97-73 panalo para dumiretso na sa championship round at harapin ang UP sa best-of-three series.

Pagkakataon ng UP  na maibalik ang korona sa kanilang bakuran, nagkampeon sila sa season 84 bago naagaw sa kanila ng Ateneo noong nakaraang taon.

Read more on philstar.com