Civilian-led mission nalusutan 'Chinese blockade,' namigay ng ayuda sa Panatag | Pilipino Star Ngayon
MANILA, Philippines — Idineklarang "tagumpay" ng Atin Ito coalition ang kanilang resupply mission patungong Bajo de Masinloc matapos malusutan ang panghaharang ng Tsina, dahilan para makapag-abot ng tulong sa mga mangingisda ng West Philippine Sea.