Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Gazz Angels nagpalakas sa quarterfinal | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Itinakas ng nagdedepensang Petro Gazz ang 22-25, 25-19, 23-25, 25-19, 16-14 panalo kontra sa PLDT sa Pool C sa second round ng 2024 Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference kahapon sa MOA Arena sa Pasay City.

Ang ikatlong sunod na ratsada ng Gazz Angels ang nagtaas sa kanilang baraha sa 4-3 sa ilalim ng High Speed Hitters (5-2) para buhayin ang tsansa sa eight-team quarterfinal cast.

Kumamada si Cuban import Wilma Salas ng halimaw na 40 points mula sa 36 attacks, tatlong blocks at isang service ace para pa­ngunahan ang Petro Gazz.

Nagdagdag si Fil-Am Brooke Van Sickle ng 32 markers sa likod ng 27 hits, tatlong blocks at tatlong aces habang may 12 points si Aiza Maizo-Pontillas.

“Iyong past two games namin that we won in five sets speaks highly of the attitude of the players in approaching the game,” ani assistant coach Stephen Patrona.

Bumanat si Russian import Elena Samoilenko ng 25 points kasunod ang 18 markers ni Erika Santos para sa PLDT.

Sa unang laro, swak ang Chery Tiggo sa quarterfinals matapos walisin ang sibak nang ZUS Coffee, 25-18, 25-18, 25-19.

Nagtala si American import Khat Bell ng 28 points mula sa 24 attacks at apat na blocks para sa 5-2 kartada ng Crossovers.

Laglag ang Thunderbelles sa 0-7.

Read more on philstar.com