Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Gilas pararangalan sa PBAPC awards | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bibigyang-pugay ang Gilas Pilipinas sa PBA Press Corps Awards Night matapos ang matagumpay na kampanya nito sa 19th Asian Games na ginanap sa Hangzhou, China.

Bibigyan ng special award ang Gilas Pilipinas sa Awards Night na idaraos sa Lunes sa Novotel Manila sa Araneta City.

Igagawad sa Gilas ang President’s Award dahil sa pagkopo nito ng gintong medalya sa Asian Games.

Nauna nang binigyan ng President’s Award ang PBA Board of Governors at si dating MVP at Bula­kan, Bulacan Mayor Vergel Meneses.

Ginulat ng Gilas ang buong sambayanan nang masiguro nito ang ginto sa Asian Games — ang kauna-unahang gintong medalya ng Pilipinas sa men’s basketball sa loob ng mahigit anim na dekada.

Naitarak ng Gilas ang come-from-behind win kontra sa host China sa semifinals, 77-76, bago patumbahin ang Jordan sa gold-medal match, 70-60.

Pararangalan din si Magnolia guard Jio Jalalon na bibigyan ng Defensive Player of the Year award.

Pinangalanan ang 31-anyos na si Jalalon na bahagi ng Season 47 All-Defensive Team kasama sina June Mar Fajardo, Christian Standhardinger, Cliff Hodge at Chris Newsome.

Nanguna si Jalalon sa steals hawak ang average na 2.1 sa 49 laro.

Ikatlo naman ito sa assists (5.8 per game) at may averages na 11.1 points at 5.3 rebounds.

Read more on philstar.com