Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

HD Spikers lusot sa thunderbelles | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tinakasan ng Cignal HD ang ZUS Coffee, 25-18, 29-27, 21-25, 25-22, para sa ikalawang dikit na panalo sa Pool B ng 2024 Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Bumanat si Venezue­lan import MJ Perez ng 30 points mula sa 26 attacks, tatlong service aces at isang block para sa 2-0 record ng HD Spikers.

Nagdagdag si Ces Molina ng 16 markers tampok ang 10 hits habang may tig-11 points sina Riri Meneses at Jacqueline Acuña.

“Siyempre, happy kami na nanalo kami today, but then ang dami naming lapses na dapat naming i-work on,” wika ni Molina. “Dapat magawa pa namin sa training.”

May 21 excellens sets si Gel Cayuna at nag-ambag si Judith Abil ng 10 excellent digs at 10 excellent receptions para sa kanilang depensa.

Bagsak ang Thunderbelles sa 0-2 marka at nabangasan ng kamador nang magkaroon ng left ankle injury si Jade Gentapa sa first set.

Matapos kunin ng Cignal ang 2-0 bentahe ay naagaw ng ZUS Coffee ang third set, 25-21.

Sa fourth frame ay nagawa ng Thunderbelles na makadikit sa 22-23 mula sa 13-16 agwat sa HD Spikers.

Ngunit ginamit ng Cignal ang kanilang eksper­yensa para kunin ang panalo tampok ang back-to-back hits ng 32-anyos na si Perez.

 Sa ikalawang laro, hi­nataw ng Akari ang pa­ngalawang dikit na ratsada matapos ungusan ang Choco Mucho, 18-25, 16-25, 25-21, 25-23, 15-13.

Kumamada si American import Oly Okaro ng 38 points sa likod ng 33 attacks, tatlong aces at dalawang blocks para sa 2-0 record ng Chargers na nagmula sa four-set win sa Capital1 Solar Spikers noong Hulyo 18.

Tumipa si Grethcel Soltones ng 12 markers.

Read more on philstar.com