Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Janella umiiyak ‘pag iniiwan ang anak | Pilipino Star Ngayon

Tatlong taong gulang na ngayon ang anak nina Janella Salvador at Markus Paterson na si Jude. Ayon sa aktres ay talagang susuportahan niya si Jude kung sakaling gustuhin ng batang subukan ang show business. “Mas bibo pa nga siya sa akin. ‘Coz when I was a kid, I was shy. Actually nag-audition ako for Goin’ Bulilit when I was six. My mom took me to ABS-CBN, they told me to audition for Goin’ Bulilit and I didn’t get in ‘coz I didn’t talk. They were asking me my name. They didn’t hear anything from me that day. Hindi ako bibong bata, si Jude super friendly. I see that he’s not afraid to express himself, talk to strangers. So, if he’s interested, why not?” nakangiting pahayag ni Janella.

Ngayong aktibo nang muli sa trabaho ay aminado ang aktres na nahihirapang umalis ng bahay at iwanan ang anak. “I get so sad when I have to leave him, when I have to leave the country and leave him at home. I actually cry sometimes. But iniisip ko na lang, it’s true. I do everything for him now. Bakit ko ba ‘to ginagawa? Because I wanna give him a good life. I want us to have a good life,” paliwanag niya.

Bilang isang ganap na ina ay normal na para kay Janella na mag-alala kapag hindi kasama si Jude. Para sa aktres ay masarap sa pakiramdam tuwing nakikitang masaya ang anak.  “I will never stop worrying about Jude, about what he’s doing but at the same time, it’s the most fulfilling thing. It warms my heart so much to see him happy, to see him thriving. It’s the best thing,” giit ng aktres.

Taong 2014 nang manalo si Nikko Natividad sa Gandang Lalake segment ng It’s Showtime. Mula noon ay kabi-kabilang proyekto na ang nagawa ng dating miyembro ng Hashtags na nakilala sa It’s Showtime.

Naibahagi ni Nikko na problemang pinansyal ang nag-udyok sa kanya upang maging masinop sa buhay. “No’ng second year high school na-stop ako mag-aral. Naglilinis ako ng jeep sa Bagong Silang, so raket-raket. Nagkaproblema kami, financial crisis. So parang natutunan ko kung ‘di mo kayang makatulong sa parents mo, huwag ka na lang maging pabigat. So kumbaga may sarili akong kinikita, may sarili na akong pera. Hindi na ako hihingi sa kanila,” pagbabahagi ni Nikko sa YouTube channel ni Karen Davila.

Bago

Read more on philstar.com