Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Mayor Joy sa Women’s Month: ‘Kababaihan ipagtanggol’ | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nanawagan si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa mga residente ng Quezon City partikular sa mga kalalakihan na ipagtanggol ang mga kababaihan laban sa iba’t ibang uri ng karahasan.

Ito ay sinabi ni Mayor Belmonte kaalinsabay sa pagdiriwang ng National Women’s Month ngayong Marso na layong ipaglaban ang karapatan ng mga kababaihan laban sa pang-aabuso at pananamantala.

Binigyang diin ni Mayor Belmonte na kailangan ang kolektibong pagkilos ng mga kalalakihan laban sa lahat ng uri ng karahasan sa mga kababaihan dahil ito’y may ambag na malaking tulong upang makamit ang katiwasayan at kaunlaran ng lungsod.

“Ipakita natin na sa QC, maginoo, magalang, marangal at makatarungan ang mga kalalakihan. Kumilos tayo. Sama-sama nating palakasin ang puwersa ng kalalakihan laban sa anumang uri ng pagmamalupit sa ating mga kababaihan,” pahayag ni Mayor Belmonte.

Nanawagan din ang alklade ng pagkikiisa ng pamayanan na palakasin ang puwersa ng kalalakihan para labanan ang anumang uri ng pagmamalupit, diskriminasyon, online abuse at exploitation sa mga kababaihan sa bansa.

Read more on philstar.com