Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Jerusalem kumpiyansang mananalo | Pang-Masa

MANILA, Philippines — Walang ibang nasa isip si world titlist Melvin Jerusalem kundi ang talunin si Mexican mandatory challenger Luis Angel Castillo.

Tiniyak ng 30-anyos na si Jerusalem na hindi niya isusuko sa 27-anyos na si Castillo ang kanyang hawak na World Bo­­xing Council (WBC) mi­­nimumweight crown sa Manny Pacquiao presents: Blow By Blow ngayong ga­bi sa Mandaluyong City College Gym.

Ito ang unang title defense ni Jerusalem (22-3-0, 12 KOs) matapos ta­­lunin si Japanese Yudai Shigeoka para sa WBC belt sa Nagoya noong Mar­so 31

“Siyempre, dito tayo lu­­malaban sa harap ng mga kababayan natin ka­ya hindi ako papayag na ma­talo,” pangako ng tu­bong Manolo Fortich, Bu­­kidnon.

Si Jerusalem ang isa da­lawang natitirang Filipino reigning world champions bukod kay Pedro Taduran na suot ang IBF mi­nimumweight crown.

Determinado naman si Castillo (21-0-1, 13 KOs) ang mahubaran ng titulo si Jerusalem para maiuwi ang WBC title sa Mexico.

“I know this is going to be a tough fight, but I know we will emerge vic­to­­rious,” wika ni Castillo sa isang interpreter.

Read more on philstar.com
DMCA