Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Liyamadista binulaga ng Tenacity | Pang-Masa

MANILA, Philippines — Binulaga ng Tenacity ang mga liyamadista matapos ilampaso ang mga nakalaban sa PRHTAI - PHILTOBO Trophy race na nilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas noong Sabado ng hapon.

Umarangkada sa largahan ang dehadong Tenacity upang hawakan agad ang tatlong kabayong agawat sa mga humahabol sa unang dalawang daang metro ng laban.

Walang nakatagisan ng bilis ang Tenacity sa unahan kaya kanya pa rin ang bandera sa kalagitnaan ng karera at umalagwa pa ito sa limang kabayo pagdating ng far turn.

Sa huling kurbada pa lang ay beripikadong masisikwat ng Tenacity ang panalo.

Ginabayan ni jockey JR De Ocampo, hindi na nito pinaporma ang mga kalaban sa rektahan sinigurado na nitong mananalo ang Tenacity kaya naman pagtawid ng meta ay nasa limang kabayo ang labanan nila sa puma­ngalawa at naliyamadong Animo La Salle.

Nilista ng Tenacity ang tiyempong 1:27.8 minuto sa 1,400 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner na si Patrick Uy ang premyong P150,000 habang napunta sa second placer na Animo La Salle ang P56,250.

Nakopo ng tersero na Monrovian Belle ang P31,250 habang napunta sa fourth na Snow White ang P12,500.

Humamig naman ang trainer ng nanalong kabayo ng karagdagang premyo na P10,000.

May P4,000 naman ang sinikwat ng breeder ng winning horse habang P1,000 at P500.00 ang second at third, ayon sa pagkakasunod.

Read more on philstar.com
DMCA