LTFRB pagpapaliwanagin Victory Liner sa deadly bus shooting incident | Pilipino Star Ngayon
MANILA, Philippines — Maglalabas ng "show-cause" order ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) laban sa Victory Liner Inc. matapos ang viral na pamamaril sa Carranglan, Nueva Ecija.
Ito ang ibinahagi ng LTFRB, Huwebes, matapos unang matanong ang kapulisan kung may pananagutan ang kumpanya ng bus sa pagkakapuslit ng baril sa loob ng bus na pinangyarihan ng krimen.
"We will issue it today," sabi ni LTFRB Technical Division head Joel Bolano sa isang news conference sa ulat ng GMA News.
Ika-15 ng Nobyembre nang paulanan ng anim na bala ng dalawang suspek ang mga pasaherong live-in partners habang sakay ng Victory Liner Bus Plate No. CAY 3363 bandang 1:30 p.m. sa Carranglan, Nueva Ecija.
Una nang naibalitang nakatatanggap ng pagbabanta sa buhay ang babaeng napatay.
"[The bus] was traversing the mountainous part of Carranglan going to South diection and without apparent reason the two (2) suspects shot the victims on the head and neck four (4) times and then they stop the bus near the river of the above mentioned place of incident and went down," sabi ng spot report ng Carranglan police.
"Immediately the bus went to the Compac located at Brgy. Joson, Carranglan, N.E and reported the incident. Team of compac immediately responded at the said place of incident."
Hinihingian pa ng Philstar.com ng pahayag ang Victory Liner kaugnay ng insidente ngunit hindi pa tumutugon sa ngayon.
Gayunpaman, naglabas sila ng official statement sa pamamagitan ng ABS-CBN News nitong Biyernes.
"Our hearts are with the victims and their families during this unfortunate incident. The Victory Liner Management is working closely with law enforcement to ensure a thorough investigation," sabi nila.
"Safety and security remain our top priorities, and we are implementing immediate measures to address this situation."
Dagdag pa ng kumpanya, patuloy ang kanilang pagsusumikap na maghatid ng ligtas na biyahe sa lahat ng kanilang pasahero.
Tinitignan naman na sa ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang anggulong away-pamilya sa pamamaril at pagkamatay ng dalawang pasahero, bagay na posibleng tinarget talaga.
Sa blotter report na nakuha ng News5, lumalabas na Abril lang