Lyceum, Mapua humataw ng panalo | Pilipino Star Ngayon
MANILA, Philippines — Sumampa sa win column ang Lyceum of the Philippines University at Mapua University matapos humataw ng panalo sa NCAA Season 99 women’s volleyball tournament kahapon sa San Andres Sports Complex sa Malate, Manila.
Tinakasan ng Lyceum Lady Pirates ang San Beda Lady Red Spikers, 25-17, 13-25, 25-15, 25-21, habang winalis ng Lady Cardinals ang San Sebastian Lady Stags, 25-20, 25-23, 25-18.
Kapwa may 1-0 record ngayon ang Lyceum, Mapua, back-to-back champions St. Benilde at University of Perpetual Help System DALTA.
Diniskaril din nila ang coaching debut ni Edgar Barroga para sa Lady Red Spikers.
Sa unang laro, naglista si Roxie Dela Cruz ng 18 points mula sa 16 attacks at dalawang aces para akayin ang Lady Cardinals sa panalo.
Sa men’s division, tumipa si Kyle Villamor ng 24 points para gabayan ang Stags sa 18-25, 19-25, 25-23, 25-23, 15-10, paggupo sa Cardinals.