Mavs nakawala sa Hornets | Pilipino Star Ngayon
DALLAS — Kumolekta si Luka Doncic ng 23 points, 12 rebounds at 9 assists para banderahan ang Mavericks sa 124-118 tagumpay sa Charlotte Hornets.
Nalampasan ng Dallas (5-1) ang hinakot na triple-double ni LaMelo Ball na 30 points, 13 assists at 10 rebounds sa panig ng Charlotte (2-4).
Nagdagdag si Grant Williams ng 18 points, samantalang nagposte si rookie Dereck Lively II ng 15 points at 14 rebounds.
Bumangon ang Mavericks mula sa 15-point deficit sa first half kung saan hindi nakaiskor si Doncic sa first quarter para agawin ang 122-116 abante galing sa apat na sunod na free throws ni Kyrie Irving sa huling 7.7 segundo.
Tumapos si Irving na may 18 points at 10 assists.
Sa Cleveland, umiskor si Donovan Mitchell ng 31 points sa 115-104 pagtusok ng Cavaliers (3-4) sa Golden State Warriors (5-2).
Sa Portland, nagtala si Desmond Bane ng 30 points sa 112-100 paglapa ng Memphis Grizzlies (1-6) sa Trail Blazers (3-4).
Sa Detroit, humataw si Kevin Durant ng season-high 41 points para tulungan ang Phoenix Suns (3-4) na tapusin ang three-game losing skid mula sa 120-106 panalo sa Pistons (2-5).
Sa San Antonio, naglista si Scottie Barnes ng 30 points at nakabangon ang Toronto Raptors (3-4) mula sa 22-point deficit para talunin ang Spurs (3-3) via overtime, 123-116.