Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Miller ihaharap ng TNT sa Magnolia | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Matapos maglaro para sa Converge ay kakampanya naman si import Quincy Miller para sa TNT Tropang Giga sa pagbubukas ng PBA Season 48 Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Sasagupain ng Tropang Giga ang Magnolia Hotshots ngayong alas-7 ng gabi na tatampukan ng papangalanang PBA Most Valuable Player ng Season 47.

Ang NBA veteran na si Miller ang pansamantalang papalit sa may sakit na si Rondae Hollis-Jefferson para sa TNT na hindi makukuha ang serbisyo nina top gunners Mikey Williams at RR Pogoy.

Hindi pa napaplantsa ang kontrata ni Williams habang may health problem si Pogoy, ayon kay coach Jojo Lastimosa.

Inaasahan namang sasakyan ng Magnolia ni mentor Chito Victolero ang inilista nilang 11-0 record sa nakaraang PBA On Tour bukod sa pagparada kay import Tyler Tarik Bey.

Samantala, malalaman ngayon sa PBA Annual Leo Awards kung sino ang tatanghaling MVP at Roo­kie of the Year ng nakalipas na Season 47.

Mag-aagawan para sa MVP award sina six-time awardee June Mar Fajardo ng San Miguel, Scottie Thompson at Christian Standhardinger ng Ginebra.

Ang tatlo ay wagi ng Best Player of the Confe­rence award - si Fajardo sa Philippine Cup, si Thompson sa Commissioner’s Cup at si Standhardinger sa Governors’ Cup.

Sina Renato Ular ng Blackwater, Justin Araña ng Converge, Brandon Ga­nuelas-Rosser ng NLEX, Tyler Tio ng Phoenix at Gian Mamuyac ng Rain  or Shine ang mga kandidato sa ROY trophy.

Read more on philstar.com