San Beda mag-iingat sa Letran | Pilipino Star Ngayon
MANILA, Philippines — Tatapusin ng San Beda University ang elimination round sa pagsagupa sa talsik nang Letran College sa NCAA Season 99 men’s basketball tournament.
Haharapin ng Red Lions ang Knights ngayong alas-3:30 ng hapon matapos ang banggaan ng mga sibak nang San Sebastian Stags at Arellano Chiefs sa ala-1:30 ng hapon sa Filoil Centre sa San Juan City.
Kumpleto na ang Final Four na binubuo ng No. 1 Mapua University (15-3), No. 2 Lyceum of the Philippines University (13-5), No. 3 San Beda (11-6) at No. 4 College of St. Benilde (11-7).
Hawak ng Cardinals ang ‘twice-to-beat’ advantage kontra sa Blazers gayundin ang Pirates laban sa Red Lions sa semifinals na nakatakda sa Martes.
Matalo man ang San Beda sa Letran (2-15) ay kanila pa rin ang No. 3 seat via tiebreaker dahil sa panalo nila sa St. Benilde sa dalawang laro sa eliminasyon.
“It is always tough playing Letran because of the rivalry. Forget about the standings,” wika ni San Beda coach Yuri Escueta sa ‘three-peat’ champions na unang nasibak sa torneo.