Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Bulldogs nagpasolido sa No. 2 spot | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Winasiwas ng National University ang Ateneo, 65-61 upang mapalakas ang kapit nila sa second spot ng team standings sa UAAP Season 86 men’s basketball tournament na nilaro sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City kahapon.

Sinandalan ng Bulldogs ang bangis ni Jake Figueroa sa opensa upang tulungan ang Bulldogs na ilista ang 8-2 karta at i­baon ang Blue Eagles sa kanilang pangatlong sunod na kabiguan.

Nahirang na best Pla­yer of the Game, tumikada si Figueroa ng 18 points para ipalasap sa Ateneo ang pang-anim na talo sa 10 laro habang si Rein Jumamoy ang nanguna sa opensa sa tinikadang 21 puntos.

Kumana si Joseph Oba­sa ng 11 markers para sa Blue Eagles na unang pagkakataon na nakalasap ng tatlong sunod na talo sapul noong Season 76.

Samantala, kinapitan ng Adamson University ang matikas na opensa ni Joshua Yerro para igupo ang University of Santo Tomas, 61-53 at masolo ang pang-apat na puwesto sa team standings.

Tumipa si Yerro ng 17 points para sa Adamson na may 5-5 karta, nag-ambag naman sina Joem Sabandal at Matthew Montebon ng nine at eight points ayon sa pagkakasunod.

Makakalaban ng A­damson sa susunod nilang laro (Miyerkules) ang De La Salle University sa alas-6 ng gabi sa Big Dome.

Read more on philstar.com