NU, UP ‘di bibitaw sa liderato | Pang-Masa
MANILA, Philippines — Isa sa huhugutan ng lakas ng National University si Jake Figueroa sa pagharap nila sa tigasing Far Eastern University sa UAAP Season 86 men’s basketball tournament na lalaruin sa Araneta Coliseum ngayong araw.
Kasalo ng NU sa tuktok ng team standings ang University of the Philippines hawak ang magkatulad na 8-2 kartada.
Magsisimula ang bakbakan ng Bulldogs at Tamaraws sa alas-4 ng hapon pagkatapos ng bangayan sa pagitan ng UP at University of the East sa ala-1 ng hapon.
Samantala, maghaharap sa unang laro ang Ateneo at UST sa alas-11 ng umaga habang huling laro ang La Salle at Adamson sa alas-6 ng gabi.