Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Press Release - Interview with Senator Francis 'Chiz' Escudero

DATE: January 07, 2024
STATION/PROGRAM: DZBB Bantay Balita Sa Kongreso
HOSTS: Nimfa Ravelo and Isa Avendano-Umali

NIMFA: kagad na tayo pumunta sa ating talakayan

ISA: ayan live na live via viber ang ating unang makakausap sa palutuntunang ito, si Senator Francis Escudero. Magandang umaga po senator at welcome po sa Super Radyo DZBB

NIMFA: Good morning po senator chiz

CHIZ: Isa, Nimfa at sa lahat ng ating taga pakinig, magandang umaga po sa inyo, good morning

N: Good morning, sir, sabi ko nga si Senator Chiz Escudero ay isa sa mga senior senator pero hindi pa senior citizen ha

I: hindi pa batam-bata pa

N: senator patulong lang po sa talakayan ukol dito sa power outage sa Visayas, magkakaroon na po ng pandinig sa Wednesday, kayo po bilang member ng komite ano po ang dapat na maging trajectory o mithiin nitong pagdinig ng Energy Committee?

CHIZ: dapat tignan natin ang lahat ng inboldado o involved sa pagbibigay ng kuryente sa ating bansa sa lugar nay an sa partikular sa Panay Island. Tatlo yan Isa at Nimfa, una, ung generating company, pangalawa ung NGCP na transmission at pangatlo ung distribution utility, yan ung tatlong actor ika nga na naghahatid ng kuryente sa ating mga tahanan. Bawat isa dapat tignan o suriin kung ano ang papel na ginampanan nila kung meron man sa problemang naganap na blackout dyan sa Panay Island.

N: samantalang magkakaroon pa lamang ng imbestigasyon senator Escudero, si Presidente may kongklusyon na eh, NGCP po ang may pananagutan dito kasi daw po merong hindi ginawa sa loob ng supposedly two-hour window para maagapan ung lumawak ung problema sa kuryente, kayo po senator sa ngayon ba nakikita niyo na ung pananagutan dito ng NGCP na taga transmit ng kuryente?

CHIZ: ikaw na mismo nagsabi na ang trabaho lamang ng NGCP ay mag transmit, magpadala mula sa generating company ng kuryente patungo sa distribution utilities ng Panay Island, hindi naman kasi konektado ang mga planta natin sa Subic, sa Quezon, sa Batangas dyan sa Panay Island. May sarili silang source ng kuryente dyan at may sarili silang power plant dyan, yan particular ay ang PCPC at ang PDEC, dalawang power plant na nagsu-supply ng sapat, sobra pa ngang kuryente sa Panay Island.

Nga

Read more on legacy.senate.gov.ph
DMCA