Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Press Release - Live interview with Senator Francis 'Chiz' Escudero

DATE: January 06, 2024
STATION: DWIZ
PROGRAM: Usapang Senado
HOST: Cely Bueno

CELY BUENO: Senator Chiz Escudero. Hi Sir, magandang hapon at happy new year po sa inyo.

FRANCIS 'CHIZ' ESCUDERO: Hi Cely, proof of life lang bago ko patayin 'yong video. Magandang hapon sa iyo at sa lahat ng ating mga tagasubaybay.

BUENO: 'Wag niyo pong papatayin 'yong video. Bakit kailangan patayin 'yong video? Gusto ko nakikita ko 'yong kausap ko Sir.

ESCUDERO: Naka-workout clothes.

BUENO: Sanay na ako na nakapang-workout outfit ka Sir. Okay lang 'yan.

ESCUDERO: Keri 'yan Cely, game.

BUENO: Ano 'yan nag-gi-gym ba si Sir? Anyway sige sana 'wag hingalin si Senator via Zoom na walang video, audio lang. Anyway Sir unahin ko muna bilang ikaw 'yong chairman ng Senate Committee on Higher, Technical and Vocational Committee, ito hong National Parents-Teachers Association of the Philippines may panawagan ho sa CHED na sana ay i-extend pa ng another year ito hong senior high school programs sa mga state universities and colleges at sa mga local universities and colleges ng sa gayun daw ay magkaroon pa ng more time ang mga public schools teachers, mga parents at ang Department of Education na mapaghandaan ito dahil ang tingin nila ay hindi handa ang CHED dito sa mangyayari na hindi na tatanggap at wala ng senior high school programs ang SUCs at LUCs.

ESCUDERO: Konting kasaysayan muna Cely, mahigit tatlong taon na ang ibinigay at sa totoo lang para mag-adjust ang DEPED sa senior high. Kung maaalala mo n'ong in-adopt 'yong K-12 program kulang ng facility at teacher ang mga DEPED schools kung kaya't in-accommodate muna ng mga SUCs, ng mga higher learning education institutions 'yong senior high level pero 'yong kasunduang 'yan dapat hangang 2021 lang i-extend na 'yan hangang 2024. So 'yong anumang extension na ating gagawin pa ang tanong baka next year ganoon na naman kahit tatlong taon mahigit anim na taon na ang binigay para d'yan hindi pa rin nagawa. Ngayon ang pangalawang problema at DEPED. Ayaw ng magbayad ng DEPED para doon sa mga in-accommodate na mga estudyante sa senior high ng SUCs. In other words, targetable sa pondo at savings ngayon dahil wala namang budget para d'yan ang national

Read more on legacy.senate.gov.ph