Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Press Release - Transcript of Interview | Senator Risa Hontiveros with Lakay Deo Macalma, DZRH

Q: Senator Risa, magandang umaga po.

Senator Risa Hontiveros (SRH): Magandang umaga.

Q: Andami palang nagtestify pala sa inyong kumite kahapon. At sa mga inyong mga naimbestigahan, mga ilan kaya? May figures ba kayo kung ilan ang inabuso ni Pastor Quiboloy?

SRH: Wala pa nga po. Pero sa apat o limang nagtestigo kahapon, si Alyas Amanda na naglakas loob sabihin in person na pinagsamantalahan siya noong menor de edad pa lamang siya. 17 yrs old. Ni Pastor Quiboloy. At sabi niya, hindi lamang siya, marami pa daw ibang menor de edad na pinagsamantalahan din ng ganoon.

Sila Alyas Sofia at Alyas Nina na dalawang Ukrainian na nagbigay ng kanilang salaysay by video kahapon, sabi nila hindi lang sila ang mga Ukrainians doon at sinabi din yun ni Alyas Amanda na nakita niya na meron ngang mga Ukrainians.

Si Alyas Sofia sabi niya una pinapamasahe sa kanya yung mga paa ni Pastor Quiboloy eh kalaunan tinanggalan siya ng damit ni Pastor Quiboloy at tuluyan nang ginahasa. Si Alyas Nina sabi niya isa siya sa mga pastoral inassign sa tinatawag nilang "night duty" at nung gusto ni Pastor Quiboloy makipagtalik sa kanya at siya ay tumanggi, binantaan siya na pupunta daw siya sa impyerno.

Sabi ni Alyas Amanda, at any given time, may nakita siyang mga 200 daw sila dun na pastoral. Yung iba dun tulad niya na pinagsasamantalahang sekswal ni Pastor Quiboloy, yung iba inoobliga na gumawa ng mga household chores para kay Pastor at sa kanyang mga tinatawag na spiritual wives.

May pisikal na abuso din. Iyan tinestigo naman ni Alyas Jerome. Sabi niya isa siya sa mga pinarusahan dahil ang kanyang offense di umano ay nagkaroon siya ng girlfriend na hindi myembro ng Kingdom of Jesus Christ. Sinilihan ang mata niya at ang ari niya, sabi niya tatlong linggo na parang sinisilaban ng lighter ang ari niya, hindi siya mapalagay talaga at pinauntog ang mga ulo nila sa pader hanggang dumugo. Yan ang utos daw ni Pastor Quiboloy sa kanila nung may parang phone patch sila or live feed kay Pastor habang siya ay nasa Amerika.

Sabi ni Alyas Jerome, talagang dumugo yung ulo niya, pinasuntok din ang kanilang mga kamao sa pader hanggang dumugo, yan ang utos sa kanila, hanggang ngayon, may dalawa siyang balat sa

Read more on legacy.senate.gov.ph