Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Press Release - Transcript of ambush interview: Senator Risa Hontiveros with Senate Media

Q: Ano exactly ang magiging galaw nito in fighting, in opposing Charter change? Especially RBH 6 ngayon?

Senator Risa Hontiveros (SRH): Well, yung RBH 6 dito sa Senado, eh, nung simula ang confident nila. Nag-anunsyong may labing walo na silang boto. Pero, I think, navi-vindicate na hindi yan accurate.

And hanggang ngayong araw, I believe, meron pa rin kaming fighting chance makabuo ng at least seven na kakailanganin para i-down yung RBH 6.

As for RBH 7, hindi naman ako makapag-comment dyan kasi yan naman ay resolusyon ng House. Pero, sigurado, on the various fronts na nagbukas ang ChaCha, yung pekeng People's Initiative, kahit yung RBH 6 dito sa Senado, ay nagkakaisa kami sa minority ni Minority Leader Sen. Koko Pimentel. At baka ilan pang mga kasama namin sa mayorya na magno-no kahit sa RBH 6.

And as for pekeng P.I., of course, united ang buong Senado laban dyan.

Q: Ma'am, ano yun? Yung seven, nag-commit na po yun? Meron akong formal na commitment?

SRH: Ah, political mapping namin kung ano yung numbers, ano yung balance of forces dito sa Senado.

Q: Pero ang target niyo po?

SRH: Kailangan at least seven. Kasi kailangan nila para aprubahan ng RBH 6 ay 18. So, kailangan lang namin na makabuo ng seven para pigilin yan.

Q: So, highly confident?

SRH: I'm very hopeful pa rin hanggang ngayong araw na ito.

Q: And the same time, talks are ongoing with, the talks are ongoing among minority and other members of the majority para mabuo yung seven?

SRH: It's more personal perception batay sa pagkakilala namin sa isa't isa na ano yung aming mga posisyon dito sa ChaCha in general at kahit sa RBH 6 in particular.

Q: Pero may plano po ba kayong kausapin yung iba? Kasi si Senator Villar po yung isa sa majority na very vocal na sinabi niya na na she will vote against ChaCha. May plano po ba kayong kausapin si Senator Villar para mapalakas po yung grupo na boboto against ChaCha?

SRH: Lagi naman kaming lahat, siguro lahat kaming 24 nag-uusap sa isa't isa araw-araw. Kaya doon namin ni Sen. Koko bina-validate yung aming mapping. At syempre, bilang mga mambabatas, bilang mga advocates, lahat ng nakikita namin pagkakataon na ma-secure yung minimum of seven, ay aming talagang

Read more on legacy.senate.gov.ph