Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Press Release - Transcript of Interview of Senator Nancy Binay with DWIZ 882's Cely Bueno

Question: Speaking of Chinese New Year, makakapanayam po natin ang may magandang mensahe at wish para sa CNY. Siya po ang chairman ng Committee on Tourism at Committee on Accounts, Senator Nancy Binay.

Senator Nancy Binay: Magandang tanghali, Cely, at happy Chinese New Year sa lahat ng nakikinig at nanonood ng inyong programa. At congratulations sa panibagong istasyon, o panibagong mukha ng inyong station, DWIZ.

Q: Ma'am, medyo naging takaw-pansin ang inyong wish para sa CNY. Ito 'yung sana'y tigilan na ang para sa inyo'y "parliamentary bullying." Bakit ito ang inyong naging wish?

SNBA: Alam mo naman, Cely, I guess last week naging masyadong mainit ang banat at paninira sa Senado. Kaya ang naging CNY wish natin ay sana tigilan na ng Mababang Kapulungan ang pag-atake sa Senado.

Q: Ano 'to, Ma'am, sobra na bang apektado ang mga senador, nao-offend na? Ano na ang napagusapan ninyo sa naririnig na banat, kasi sabi nga ni Senator Sonny Angara, bullying na nga dahil araw-araw may press conference para batikusin ang mga senador.

SNBA: I'm sure, Cely, 'di ba tao lang naman kami na nasasaktan. But more than that, ang sa amin ay hindi ito productive, nauubos ang oras sa mga ganyang walang kakwenta-kwentang banat. Eh nakita mo naman 'di ba naghearing kami last week, 'yung problema natin doon sa PISA (Programme for International Student Assessment) results. Mga ganoong problema ang unahin natin kesa itong siraan dahil wala naman kami parehong mapapala. Sisirain lang namin ang institusyon. I guess, balik-trabaho kami, mas pagtuunan namin ang problema ng mga kababayan ngayon, dahill 'di ba gaya ng ginawa namin sa Senado, sinimulan na namin ang pagtalakay sa floor ng pag-increase ng minimum wage sa ating mga kababayan. So sana, ganoon din ang panawagan ko sa aming counterparts sa Lower House.

Q: So 'yun nga, kayo nagfo-focus na sa -kasi ang taumbayan naririnig ko na rin na, ano ba yan nakakasawa na ang panay usapan o bangayan tungkol sa Cha-Cha, eh ang taumbayan mas gusto nila na ang pinaguusapan daw ng mga opisyal ng gobyerno ay mga usaping malapit sa sikmura dahil alam naman natin ngayon, sunod-sunod na naman ang pagtaas ng presyo ng petrolyo...

SNBA: Isipin mo yung bigas 60

Read more on legacy.senate.gov.ph