Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Sa tahanan makikita ang tunay na biyaya ng Pasko | Pilipino Star Ngayon

Bakit nga ba laging eksayted ang mga Pilipino tuwing sasapit ang Pasko? Malayo pa’y may-countdown na agad!!!

Maaaring ito ay dahil sa masasayang bigayan ng mga regalo kung saan nagkakaroon tayo ng pagkakataong ipakita kung gaano kahalaga ang mga tao sa paligid natin. Para sa ilan, maaaring ito ang katuparan ng kanilang pagnanais na magbiyahe at magbakasyon. Para naman sa iba, maaaring ito ay ang pagkakataong makapagpahinga tayo mula sa stress ng trabaho at makapagbalik-tanaw pagkatapos ng isang makabuluhang taon.

Pero para sa akin, sa init ng yakap ng pamilya at tawanan ng mga bata tunay na makikita ang diwa ng panahong ito.  Higit pa sa pagkain at regalo, pinakamahalagang biyaya ang ligtas at maayos na pagsasama-sama ng ating pamilya at mga mahal sa buhay sa iisang tahanan.

Kahit hindi ka-dugo, puwedeng maging kapamilya.   Katunayan, ang mga itinuturing nating kapamilya ay yung mga nagmamahal sa atin at maasahang nariyan pa rin para magbigay-suporta anuman ang mangyari. Ito ang uri ng bigkis na palaging sinisikap ng ABS-CBN Foundation-Bantay Bata 163 na mabuo sa pagitan ng organisasyon, mga donor, mga bata at kanilang mga pamilya na nasa ilalim ng pangangalaga nito.

Ilang linggo na ang nakalipas, halos 200 bata at kanilang mga magulang ang sumali sa Children's Congress ng foundation na nagsilbi ring maagang pagdiriwang ng Pasko.  Enjoy sila sa mga aktibidad at mga interactive booth na inihanda ng Bantay Bata 163.  Bilang dating Program Director nito, lagi kong inaabangan ang mga ganitong pagtitipon kung saan nabibigyan kami ng pagkakataong pagsama-samahin ang mga bata, mag-aaral, magulang, at iba pang mga katuwang na nangangakong isulong ang kapakanan at proteksyon ng mga bata.

Lalong naging espesyal ang taong ito sa paglulunsad ng Children and Youth Advocacy Council (CYAC) ng organisasyon. Ang CYAC ay binubuo ng anim na Filipino youth community ambassadors at advocates na pinili mula sa iba’t ibang lalawigan na siyang tutulong itaguyod ang mga karapatan at kapakanan ng mga bata. 

“Magandang opportunity ito para maniwala sila sa sarili nila, na may boses din sila…. Mahalagang pinakikinggan at nirerespeto natin ang mga bata,” sabi ni ABS-CBN Foundation Managing

Read more on philstar.com