PCG: Fishing boat, na nabangga ng Chinese ship sa West Philippine Sea, tumanggap na ng full settlement | Pilipino Star Ngayon
MANILA, Philippines — Tumanggap na ng full settlement ang isang fishing boat na nabangga ng isang Chinese cargo ship sa West Philippine Sea (WPS).
Sa isang pahayag, sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) na nakipag-amicable settlement ang Filipino fishing boat na Ruel J matapos na mabangga ng MV Tai Hang at magtamo ng pinsala.
Gayunman, hindi naman tinukoy ng PCG ang halaga ng settlement na tinanggap nito.
Batay sa ulat, nakatigil ang Ruel J sa isang fishing aggregation device o payao nang mabangga ito ng Chinese bulk carrier na MV Tai Hang 8 noong Disyembre 5 sa Paluan, Occidental Mindoro.
Ayon sa PCG, limang indibidwal ang kinailangang sagipin matapos ang insidente.