Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Sharon Cuneta, Kiko Pangilinan hinabla si Cristy Fermin ng cyber libel | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naghain ng reklamong cyber libel ang mag-asawang sina Sharon Cuneta at dating Sen. Francis "Kiko" Pangilinan laban sa showbiz columnist na si Cristy Fermin dahil sa mga diumano'y malisyosong ipinagkakalat sa personal nilang buhay.

Biyernes nang magtungo sa Makati City Prosecutor's Office ang mag-asawa. Matatandaang nagkahiwalay sina Ate Shawi at Kiko ngunit nagkabalikan na kamakakailan.

"[We filed this] dahil sa malicious imputations and defamation of our personal lives. Sabi nga namin, yes we are public figures but we also have rights," ani Pangilinan sa media.

"Eh ang daming nagsasabi na 'hindi, pag public figure kayo dapat tiisin na ninyo yung pagsisinungaling at paninira' but that's not the case. In fact, we also have private rights, lalo na when the matter is not of public interest."

Naghain ng cyber libel case si Megastar #SharonCuneta laban sa showbiz columnist na si #CristyFermin ngayong Biyernes, May 10. #News5 I via MJ Marfori pic.twitter.com/HLrvRWOlOU

Dagdag ni Cuneta, mabigat ito sa kanya lalo na't 2021 nang subukan niyang makipag-aayos kay Nanay Cristy tungkol sa anumang hindi pagkakaintindihan noon.

Gayunpaman, may hangganan din daw ito nang maapektuhan na ang mga anak nina Sharon at Kiko dahil sa artikulo tungkol sa "Megastar," kanyang buhay-mag-asawa at pamilya.

Hindi rin napigilan ng singer-actress maging emosyonal nang mapag-usapan ang ilang bagay na nabanggit ni Fermin sa kanyang YouTube channel na "Shobiz Now Na."

"Kasi kahit hindi totoo, parang siyempre kahit papaano may limang maniniwala," dagdag pa ng aktres, ito habang idinidiing hindi siya mahilig magsampa ng mga kahalintulad na reklamo."

"I reached out to her. I had so much affection for her kasi feeling ko ang tanda na natin, ang tanda ko na. I was only looking for good points. And then after a while, parang suddenly I was shocked may konting lalabas, hinusgahan ka na agad. 'Di ka man lang tinanong. There's so much unfairness."

Isang linggo pa lang ang nakalilipas nang ireklamo rin ng cyber libel ni Bea Alonzo si Fermin at Ogie Diaz. Ang huli ay host din ng sariling show sa Youtube.

Una nang sinabi ni Cristy na inirerespeto niya ang karapatan ni Bea magsampa ng

Read more on philstar.com