Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Sinong mamamagitan sa giyera ng ­Israel at Palestine? | Pang-Masa

PANGKALAHATANG ideya ng geopolitics ang daluyan ng komunikasyon at ugnayan sa pangangalakal, komersiyo, teritorial boundaries at political leadership.

Ang sinaunang mananakop na puwersa ng mga kaharian partikular na ang Britain at Rome ang gumuhit ng kani-kanilang mapa ng kapangyarihan at kasaysayan.

Naitatag ang U.S.A. noong Hulyo 4, 1776 at pinalaganap nito ang pakikipag-ugnayan sa pangangalakal at komersiyo at pandaigdigang pulitika na nagdomina sa maraming mga lider ng mahihirap na bansa na ginawa nitong kaalyado. Kapalit ng pagpapautang. Siyempre!

Noong Okt. 24, 1945, itinatag ang United Nations upang maging tagapamagitan at sandigan ng mga maliliit na bansang may problema sa pananakop at pang-aapi ng makapangyarihang mga bansa. Sila-sila rin ‘yun ‘di ba?

Ang giyerang nagaganap sa pagitan ng Israel at Palestine ay nag-ugat pa sa pagtawid ni Moses at mga aliping Hebreo ng Egypt sa bansang kilala bilang Canaan noong 1290 BC. Naitatag lamang ang Israel noong May 14, 1948.

Ang paninindigang pinanghahawakan ng mga taga-Gaza Strip ay sila talaga ang orihinal na Palestino ang nagmamay-ari ng Canaan. Nakikialam daw kasi ang Iran?

Ang pinaninindigan naman ng Israel at kapanalig nitong mga Christian nations ay pawang biblical. Ang Canaan daw ang Lupang Pangako ng Diyos kay Moses.

Papaano kaya reresolbahin ng UN ang ganitong katwiran samantalang ayon sa mga Muslim, anak din daw naman sila ng Diyos ni Abraham. Teka wait muna tayo.

Read more on philstar.com