Dragonboat kasama sa 2023 PSC BP, PNG | Pang-Masa
MANILA, Philippines — Makakasama ang dragonboat sa mga events ng darating na 2023 Philippine Sports Commission (PSC) Batang Pinoy at Philippine National Games sa Disyembre.
Ito ang sinabi ni kahapon ni Philippine Canoe-Kayak and Dragonboat Federation (PCKDF) president Len Escollante sa Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) ‘Usapang Sports’ sa PSC Conference Room sa Malate, Manila.
“Kami na ang magpo-provide ng mga bangka at mga equipment, sasagutin na lang ng PSC iyong logistics dahil medyo marami-raming bangka itong gagamitin,” ani Escollante.
Kabuuang 26 events ang nakalatag sa PSC Batang Pinoy at PNG na sabay na idaraos sa Disyembre 17.
“Last Palarong Pambansa exhibition game ang dragonboat dahil talagang nagustuhan ni Mayor Marcy Teodoro iyong sports at next year’s Palaro sa Cebu kasama na rin tayo,” ani Escollante sa programang itinataguyod ng Philippine Sports Commission, Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweat.