Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Suspek na pumatay ng 3 menor de edad sa Valentine’s Day party, arestado | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Natunton at agad na naaresto nitong Linggo ang isang lalaking nakapatay gamit ang kutsilyo ng tatlong lala­king nagkakasiyahan sa isang Valentine’s Day program sa Barangay Maican sa Damulog, Bukidnon.

Kinumpirma nitong Martes ng Damulog local government unit na nasa magkatuwang na kustodiya na ng Damulog Municipal Police Station at ng Bukidnon Provincial Police Office ang suspect, si Jeffrey Decalan, na uma­min na sa kanyang pagpas­lang sa tatlong lalaki sa kalagitnaan ng isang sayawan nitong Valentine’s Day, na inor­ganisa ng mga taga-Barangay Maican.

Lasing diumano at pinaniniwalaang nasa impluwensya ng shabu si Decalan nang ginulo ang naturang barangay program at napatay ang tatlong lalaking menor-de-edad.

Nagtangkang tumakas si Decalan, ngunit natunton makalipas ang apat na araw ng mga barangay officials at mga pulis na tumugis sa kanya sa isang liblib na lugar sa bayan ng Damulog.

Read more on philstar.com