Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Tips para sa mas maaliwalas at mas maswerteng 2024! | Pilipino Star Ngayon

Eksayted na ang lahat para sa isang bagong simula ngayong 2024! Kaya naman, hayaan ninyong ibahagi ko sa inyo ang ilang tips ni Feng Shui Master Hanz Cua, para mapuno ng positive vibes ang bagong taon, at maging mas maaliwalas at mas maswerte ito.

Sa ating mga tahanan mismo nagmumula ang positivity. Kaya naman hinihikayat ni Master Hanz na gawin nating maliwanag ang mga kwarto sa ating bahay sa pagsalubong sa bagong taon. Kung may mga pundidong bumbilya, palitan ito agad para mamalagi ang swerte sa bawat sulok ng ating bahay.

Dito naman tayo sa kusina! Ang parteng ito ng ating bahay ay mahalaga din pagdating sa feng shui. Ang malinis na kusina ay hindi lamang kaaaya-ayang tignnan.  Ito rin ay pinaniniwalaang nakakapaghatid ng mas maaliwalas na pakiramdam para sa buong tahanan. Kaya naman, mahalagang panatiliin natin ang kalinisan ng lahat ng ating mga gamit dito.

Para sa ating mga bedroom, hinihikayat din ang pagpapalit ng mga kumot, kobrekama, at punda ng unan. Para hindi lamang mahimbing ang tulog, kundi swerte rin sa paggising!
Maging listo sa mga tumatagas o may tulo na mga gripo, at ayusin ito bago sumapit ang 2024. 

Nakasanayan na nating lahat ang paghahanda ng 12 na iba’t-ibang uri ng prutas sa pagsalubong ng bagong taon. Ngunit kontra sa ating nakasanayan, alam ninyo bang hindi kinakailangang bilog ang mga ito? Ayon kay Master Hanz, kahit hindi bilog ang hugis ay makatutulong pa rin itong maghatid ng swerte para sa 12 buwan ng darating na taon. At ito pa: magsama ng kiat-kiat sa mga prutas na ito—basahin hanggang dulo para malaman kung bakit!

Kung susumahin, hinihikayat tayo ni Master Hanz na tutukan ang general cleaning na isasagawa natin sa bahay. Maglinis, mag-ayos at maghanda para sa isang masaganang bagong taon!

Alam nating lahat na pamilya ang tunay na diwa ng bawat pagdiriwang. Kaya naman, talagang nakakataba ng puso na marinig din mula kay Master Hanz na good feng shui ang pagkakaisa ng pamilya sa pagsalubong ng Bagong Taon. 

Nangunguna sa mga tradisyong ginagawa ang pagdarasal bilang isang pamilya. Kung pati ito ay kaya natin pagsaluhan, mas nagiging makabuluhan ang pagsalubong natin sa bagong taon na may baong pag-asa at kapayapaan. 

Huwag din

Read more on philstar.com