Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Bong Go: Higit 700 SHC pinondohan para itayo sa buong bansa | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Personal na dumalo si Senator Christopher “Bong” Go, chairperson ng Senate Committee on Health and Demography, sa groundbreaking ceremony ng bagong Super Health Center sa Barangay North Bay Boulevard South (NBBS) Kaunlaran, Navotas City.

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ng senador na ito ay pangako ng gobyerno na ilapit ang mahahalagang serbisyo sa mamamayang Pilipino, partikular sa mga lugar na kakaunti ang resources sa pangangalagang pangkalusugan.

“Bilang chairman po ng Committee on Health kaya nandito po tayo para sa pagpapatayo ng mga Super Health Center, para mailapit natin ang serbisyong medikal sa ating mga kababayan. And of course, pangalagaan na natin ang ating kalusugan dahil katumbas nito ang buhay ng bawat Pilipino,” ani Go sa nasabing event.

“Magkakaroon po ng mahigit 700 na Super Health Center po sa buong Pilipinas kasama na po dito ang Navotas (City) at sa iba pang parte ng Pilipinas,” aniya.

Ang inisyatibang Super Health Center, ayon kay Go, ay bahagi ng diskarte ng gobyerno upang mapahusay ang sistemang panga­ngalaga sa kalusugan sa bansa. Sa pamamagitan ng pagtatatag ng mga ito, layon ng gobyerno na i-de­congest ang mga ospital na kadalasang umaapaw sa mga pasyente.

Read more on philstar.com