Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

UP-LA salle sa UAAP finale | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinandalan ng University of the Philippines si center Malick Diouf upang sumampa sa championship round matapos gilitan ang Ateneo de Manila University, 57-46 sa semifinals ng UAAP men’s basketball na nilaro sa Araneta Coliseum kahapon.

Kinamada ni reig­ning Most Valuable Player, (MVP), Diouf ang 12 points, 16 rebounds, tatlong steals at tatlong blocks upang tulungan ang Fighting Ma­roons na lumaro sa finals sa tatlong sunod na seasons.

Ayon kay Diouf, pinag­handaan nila ang Katipunan-base squad kaya team effort ang naging susi sa kanilang panalo.

“For me, it’s a team effort. Everybody was wor­king hard and we prepared well for Ateneo,” ani Diouf.

Napalaban ang Fighting Maroons sa first half, nau­ngusan sila ng Blue Eagles, 22-25 sa unang dalawang periods.

Ngunit nagsanib-puwersa sina Diouf, Francis Lopez at Janjan Felicilda para maagaw ang bentahe sa third quarter, 42-37.

Lamang ng lima papasok ng payoff period, naghuramentado sa puntusan sina Gerry Abadiano, Lopez at Felicilda para paalagwahin ang bentahe para sa UP sa siyam, 53-44 may 3:51 minuto na lang sa orasan.

Tumikada si Lopez ng double-double na 12 points at 10 rebounds para sa UP habang nag-ambag ng 10 at 9 points sina Felicilda at Abadiano, ayon sa pagkaka­sunod.

Pagkakataon ng Figh­ting Maroons na maibalik ang korona sa kanilang bakuran, nagkampeon sila sa season 84 bago naagaw sa kanila ng Blue Eagles noong nakaraang taon.

Samantala, pinana ng De La Salle University ang 97-73 panalo laban sa National University at umabante sa finals para harapin ang tigasing University of the Philippines.

Dikitan ang labanan sa unang dalawang periods, bago kumalas ang Green Archers sa third quarter at hawakan ang 20-point lead, 70-50 papasok ng final period.

Hindi na pinaporma ng Taft-based squad ang NU sa fourth canto kaya tuluyan nang kinadena ng Green Archers ang Bulldogs.

Read more on philstar.com