Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Beda handa sa Lyceum sa NCAA Final Four | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sasalang ang San Beda University sa Final Four ng NCAA Season 99 men’s basketball tournament na buo ang kumpiyansa.

Sa pagtatapos ng elimination round noong Biyernes ay tinalo ng Red Lions ang Letran Knights, 77-68, para paghandaan ang Lyceum Pirates sa semifinal round na magsisimula sa Martes sa MOA Arena sa Pasay City.

“I think after this win, mataas ang morale namin. Nandiyan ang confidence namin, so it’s a good win,” wika ni star guard Jacob Cortez na nagtala ng 17 points sa paggupo ng San Beda sa Letran.

Tinapos ng Red Lions ang eliminasyon sa 12-6 record at lalabanan ang Pirates (13-5) sa Final Four.

May bitbit na ‘twice-to-beat’ advantage ang No. 2 Lyceum laban sa No. 3 San Beda kagaya ng hawak ng No. 1 Mapua University (15-3) kontra sa No. 4 College of St. Benilde (11-7).

Imbes na ipahinga ang kanyang mga starters ay minabuti ni coach Yuri Escueta na isabak ang mga Red Lions kontra sa Knights.

Read more on philstar.com