Abalos sa PNP: buwagin ang e-lotto operations! | Pilipino Star Ngayon
Para lumago ang kita ng mga palaro ng Philippine Charity Sweepstakes Office, inutusan ni Interior Sec. Benhur Abalos ang kapulisan na buwagin at kasuhan ang operations ng e-lotto sa Pinas. Hamakin n’yo, kung ang P4.7 bilyon na nalugi ng PCSO sa e-lotto ay napunta sa gobyerno ni President Bongbong Marcos, abayyyyy libu-libong may sakit na Pinoy sana ang naayudahan. Ang problema, sa bulsa ng operators ng e-lotto napunta ang bilyones kaya hayun, naiwang nakanganga ang mga mahihirap ng Pinoy. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Inilabas ni Abalos ang kanyang kautusan matapos magsampa ng kaso sa Mandaluyong City prosecutor’s office si PCSO General Manager Mel Robles laban sa apat na e-lotto operators na bilyones ang ninakaw sa kaban ng gobyerno. Ayon kay Abalos, kailangang tulungan ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr., si Robles para puksain ang e-lotto nang sa gayon ay ang mahihirap na Pinoy ang makinabang sa mga taya ng parukyano nito. “We are one with the PCSO in its desire to provide help especially medical assistance to as many poor people as possible. But they (PCSO) can’t fulfill their mandate if there are evil people who were stealing the agency’s revenue using their technological know-how,” ani Abalos. Mismooooo! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan, di ba mga kosa?
Ang kinasuhan ni Robles ng usurpation of authority at violations of Republic Act 1169 (An Act Providing for Charity Sweepstakes Horse Races and Lotteries) at Presidential Decree 1602 ay ang Eplayment Corporation, Paymero Technologies Limited, GlobalComRCI International, at Blockchain Smart-Tech Co.I.T.Consultancy. “You can just imagine the damage these suspects are doing to the causes and advocacies of PCSO which is mandated to provide all forms of assistance to the people, especially the poor,” ang giit ni Abalos.
“Pero dahil ninanakaw nga ng mga illegal online lottery operators na ito ang kita ng ahensya na aabot sa bilyun-bilyong piso ay maraming kababayan natin na himihingi ng tulong sa PCSO ang naaapektuhan,” dagdag pa ni Abalos. Ang tropa ni Anti-Cyber Crime Group director Brig. Gen. Sibney Hernia ang mamumuno sa pagtugis ng mga illegal na e-lotto games. “Kailangang pagbayaran ng mga