Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Altas kinapos sa Cardinals | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Itiniklop ng Mapua University ang first round sa pamamagitan ng 62-61 pag-eskapo sa University of Perpetual Help System DALTA sa NCAA Season 99 men’s basketball tournament kahapon sa FilOil Centre sa San Juan City.

Naglista si Clint Escamis ng 10 points at 11 rebounds habang may 13 markers si Marc Cuenco para sa 8-1 record ng Cardinals na sumasakay ngayon sa isang five-game winning streak.

Patuloy na sinosolo ng tropa ni coach Randy Alcantara ang liderato.

Pinamunuan ni Art Roque ang Altas, may 3-6 baraha, sa kanyang 15 points, 6 rebounds at 3 assists at may 8 markers at 10 boards si Mark Omega.

Naging balikatan ang fourth quarter bago umiskor si Paolo Hernandez ng isang layup para sa 62-59 abante ng Mapua sa huling tatlong minuto.

Ang jumper ni John Abis sa huling 2:36 minuto ng bakbakan ang nagdikit sa Perpetual sa 61-62 na siya nilang naging pinakahuling tirada.

Wala nang nakaiskor sa dalawang koponan kung saan bigo si Roque sa kanyang corner three-point attempt sa posesyon ng Altas kasunod ang paghablot ni Escamis sa kanyang ika-11 rebound para selyuhan ang panalo ng Cardinals.

Samantala, sumosyo ang Jose Rizal University sa third place matapos talunin ang Arellano University, 88-72.

Ito ang ikalawang sunod na ratsada ng Heavy Bombers para sa kanilang 6-3 baraha kagaya ng Lyceum Pirates habang lagpak sa pang-apat na dikit na kamalasan ang Chiefs para sa 1-8 marka.

Read more on philstar.com