Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

No. 1 spot binawi ng Cardinals | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling napasakamay ng Mapua University ang solong liderato matapos talunin ang Emilio Aguinaldo College, 83-77, sa second round ng NCAA Season 99 men’s basketball tournament kahapon sa FilOil Centre sa San Juan City.

Itinaas ng Cardinals ang kanilang record sa 11-3 kasama ang two-game winning run para patibayin ang tsansa sa Final Four at inihulog ang Generals sa ikalawang dikit na kabiguan para sa 7-7 kartada.

“We treat every game talaga like elimination. E­very game we treat it as Final Four na,” ani Clint Escamis na tumipa ng 17 points, 8 rebounds, 4 assists, 3 steals at 1 block.

Mula sa 44-35 bentahe sa halftime ay pinalobo ng Cardinals ang kanilang kalamangan sa 66-49 sa pagbubukas ng fourth period na naputol ng Generals sa 74-77 sa huling 53.7 segundo sa likod nina JP Maguliano at Kyle Ochavo.

Ang krusyal na triple ni Escamis ang muling nag­layo sa Mapua sa 80-74 sa natitirang 33.2 segundo.

Samantala, binawian ng San Sebastian College-Recoletos ang talsik nang ‘three-peat’ champions Letran College, 94-75, para sa kanilang 5-9 baraha.

Laglag ang Letran sa 1-13 marka kung saan ang nag-iisa nilang panalo ay mula sa 86-71 paggupo sa Baste sa first round noong Oktubre 18.

Naglista si Paeng Are ng career-high 23 para sa Stags.

Read more on philstar.com