Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

'Ash Wednesday tragedy': 44 naospital matapos gumuho simbahan sa Bulacan | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isinugod sa ospital ang dose-dosenang mananampalatayang Katoliko matapos bumagsak ang bahagi ng ikalawang palapag ng isang simbahan sa San Jose del Monte, Bulacan habang nagdaraos ng misa.

Miyerkules ng 7 a.m. nang mangyari ang insidente sa St. Peter Apostle Parish Church sa Brgy. Tungkong Mangga kasabay ng pagdagsa ng nagsisimba para sa "Ash Wednesday."

"As of 9:35 a.m., 44 na ang sugatan at dinala sa mga sumusunod na ospital," wika ng City of San Jose del Monte Public Information Office sa isang paskil sa Facebook.

"Si[n]agot na rin ng lokal na pamahalaan ang lahat ng gastusin sa pagpapagamot ng nasugatan sa insidente."

Dinala ang mga pasyente sa mga sumusunod na ospital:

Ibinahagi rin ng ilang netizens ang video ng pagbagsak sa simbahan, kung saan makikitang nagsasaklolohan ang mga kapwa parokyano ng simbahan.

Agad namang rumesponde sa insidente ang mga tauhan ng City Disaster Risk Reduction Management Council gaya ng San Jose del Monte City Police Station, Bureau of Fire Protection, City Engineering Office, City Traffic Management - Sidewalk Clearing Operations Group, City Health Office, at City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO).

Sa panayam ng dzBB, sinabi ni SJDM City Disaster Risk Reduction Management Office head Gina Ayson na minor injuries, pasa at pananakit ng balikat ang itinamo ng mga nagsisimba. Wala namang naitalang patay o kritikal.

"'Yung second floor po na 'yun, made of wood. Kaya medyo bumigay po siya dahil na rin siguro sa bigat ng mga nagsisimba ngayong umaga na ito," paliwanag ni Ayson.

"Medyo marami po talagang tao. Sabay po siya eh sa pila po ng pagpapahid ng abo. Kaya po talagang dumagsa 'yung tao."

Mananatiling sarado po sa ngayon ang simbahan hangga't hindi pa natatasa ng mga otoridad ang kalagayan ng simbahan.

Sinasabing may katandaan na rin ang bahay sambahan bago mangyari ang pagbagsak.

Personal namang tinugo ni SJCM Mayor Arthur Robes ang pinangyarihan ng pagguho habang pinag-iingat ang lahat.

"Ipinagagamot din po natin ang mga kababayan nating nasugatan at naapektuhan dahil sa pangyayaring ito," ani Robes.

"Mag-uupdate po tayo at magbibigay ng buong detalye maya maya lamang."

Read more on philstar.com