Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Calahat bumida sa Baste | Pang-Masa

MANILA, Philippines — Kumolekta si Romel Calahat ng 24 points, 10 rebounds, 3 assists at 2 steals para gabayan ang San Sebastian College sa 98-89 paggupo sa Arellano University sa pagtiklop ng elimination round ng NCAA Season 99 men’s basketball tournament kahapon sa Filoil Centre sa San Juan City.

Tinapos ng Stags ang kanilang kampanya sa 6-12 record, habang may 2-16 baraha ang Chiefs.

“Last game na namin kaya binigay todo na namin,” sabi ng 24-anyos na si Calahat sa kanyang huling paglalaro sa Baste at sa NCAA kasama sina Jessie Sumoda at Alex De­soyo.

Ngayon pa lamang ay may nakalatag na plano si Calahat matapos maglaro sa collegiate league.

“Maglalaro muna ako sa PSL, MPBL, undrafted po kasi ako sa PBA,” wi­ka ni Calahat. “Tuluy-tu­loy pa rin ako, hindi pa rin ako susuko sa pangarap ko.”

Nakabangon ang Arel­lano mula sa 24-pont de­ficit para dumikit sa 50-59 agwat sa pagsisimula ng third period.

Bumida si Calahat pa­ra muling ilayo ang San Sebastian sa 94-77 sa fourth quarter.

Samantala, tinalo ng San Beda University ang Letran College, 77-68.

Read more on philstar.com