Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Collegiate Press Corps nagsagawa ng kauna-unahang outreach program | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sandamakmak ang mga dakdak, walang puknat ang mga puntos at hitik sa mga tapal ang nagdaang collegiate basketball season subalit sa labas ng court naganap ang pinakamalaking assist.

Sa isang pambihirang okasyon, nagdaos ang Collegiate Press Corps ng makasaysayang outreach program sa pagtatapos ng UAAP Season 86 at NCAA Season 99 basketball tournaments na naging kasabay din sa pagdiriwang ng Kapaskuhan.

Mula sa mga higanteng arenas at coliseums ng Metro Manila, bumisita ang Collegiate Press Corps sa munting bahay-ampunan sa Sta. Mesa, Maynila upang sa pagkakataong ito ay maging instrumento sa panahon ng pagbibigayan at pagmamahalan.

Ito ang Concordia Children’s Services na higit apat na dekada nang nagiging tahanan ng mga batang ulila. Maliit man, naging pundasyon ito ng walang maliw na pagmamahal para sa mga nangaingailangang kabataan at tulay sa kanilang kinabukasan.

Nitong Pasko, naging bahagi ang Collegiate Press Corps ng kanilang walang kaparis na gampanin – kahit na isang saglit lamang.

Bida sa kauna-unahang programa ng Collegiate Press Corps ang pagbibigay ng food supply, medical needs at mga laruan sa mga paslit, na nagalak at napatalon din sa tawa matapos manood ng magic at giant bubble show mula sa mga bibong clowns.

Sumali din sa iba’t ibang palaro ang mga bata at aninag sa kanila ang walang pagsidlan na tuwa.

Mga bagay na hindi maisasakatuparan kung wala ang solidong suporta ng coaches, officials at players ng UAAP at NCAA, pati na ang buong Philippine sports industry, colleagues, bosses, mga kaibigan at pamilya.

Sa mismong aktibidad, nakasama ng Collegiate Press Corps sina UAAP executive director Atty. Rebo Saguisag pati na ang bagong UAAP Season 86 champion na La Salle Green Archers, sa pangunguna nina head coach Topex Robinson at senior player Francis Escandor.

Kampeon ng UAAP men’s ang La Salle, sa women’s naman ang University of Santo Tomas habang naghari sa NCAA Season 99 ang San Beda na pare-parehong susubok makaulit next season.

Gayundin ang Collegiate Press Corps.

Subalit sa ngayon, walang ibang kampeon kundi ang mga walang kapagurang staff ng Concordia, tampok ang nurses at caretakers, na sinisigurong matatag at maayos

Read more on philstar.com