Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Cortez bida sa panalo ng La Salle | Pang-Masa

MANILA, Philippines — Gumapang sa second half ang De La Salle University upang panain ang 83-75 panalo kontra sa University of the East sa UAAP Season 86 men’s basketball tournament na nilaro sa UST Quadricentennial Pavilion, kahapon.

Kinalsuhan ng Green Archers ang kanilang two-game losing streak matapos silang akbayan sa opensa ni Raven Cortez.

Tumapos si Cortez ng 18 points para buhatin ang Taft-based squad sa 4-3 record na nagpalakas ng kanilang kapit sa No. 3 spot sa team standings.

Mabagal na inum­pi­sahan ng La Salle ang ka­nilang laro matapos silang iwanan ng UE  ng 11 puntos sa halftime, 37-48.

Ngunit ipinaramdam ng Green Archers ang kanilang lakas sa third canto at naibaba nila sa isang puntos ang hinahabol, 62-63 papasok ng fourth period.

Sa payoff period ay nagpatuloy ang mainit na laro ng La Salle para tuluyan ng tapusin ang UE.

Sa unang laro, mu­ling nasilayan ang bangis ng National University ma­tapos nilang sakmalin ang 69-66 panalo kontra sa A­damson University.

Humugot ng bangis ang Bulldogs kina Kean Baclaan at Jake Figueroa upang lapain ang four-game winning streak at patatagin ang puwesto sa No. 2 spot ng team stan­dings tangan ang 6-1 record.

Kumayod si Baclaan ng 19 points habang 17 ang inambag ni Figueroa para sa Bulldogs na ipinalasap sa Soaring Falcons ang pang-apat na talo sa pitong salang.

“Pinatunayan ko lang yung worth ko sa team. Pinakita ko lang kung ano yung kaya ko maitulong sa team. Hindi ko naman inisip yung points, kusa lang din dumating,” ani Baclaan.

Read more on philstar.com