Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Cabanero inakay ang UST sa panalo | Pang-Masa

MANILA, Philippines — Tinalo ng University of Sto. Tomas ang Far Eastern University, 68-62 para ilista ang kanilang unang panalo kahapon sa UAAP Season 86 men’s basketball tournament na nilaro sa SM Mall of Asia Arena.

Nakalsuhan ng Grow­ling Tigers ang six-game losing skid ngayong season matapos nilang makontrol ang buong laro.

Tangan ang 1-6 karta, naging susi sa panalo ng UST ang mainit na laro ni Nic Cabanero na kumana ng 23 points, anim na rebounds at dalawang assists.

Maagang ipinaramdam ng España-based squad ang kanilang bangis kung saan nakalamang sila ng apat na puntos, 38-34 sa halftime.

Hindi naman nagpabaya ang Tigers sa second half, nanatili ang pagiging agresibo para makuha ang inaasam na panalo.

“Thank you God sa binigay n’yo sa amin na panalo, sa UST community, super duper thankful din ako sa mga coaches, teammates, staff pati yung management namin kasi tuluy tuloy pa rin sila na nili-lift up ang puso namin,” ani Growling Tigers third-year guard Cabanero.

Tumipa si Ljay Gonzales ng 11 puntos para sa Tamaraws na tinapos ang first round na hawak ang 2-5 record.

Samantala, ipinatikim ng Ateneo ang unang kabiguan ng UP matapos itarak ang 99-89 overtime win.

Bumida sa extra period si Josep Obasa matapos isalpak ang pandiin na dala­wang puntos upang ilipad ng Blue Eagles ang 92-85 lead may 1:27 minuto na lang laro.

Kasalo na ng Ateneo ang La Salle sa No. 3 spot sa team standings tangan ang parehong 4-3 karta.

Read more on philstar.com