Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Dalawang pelikula ni Ronaldo Valdez, magsasalpukan sa takilya | Pilipino Star Ngayon

Hindi kaya mas kumita pa sana ang pelikulang Roadtrip kung mas nabigyan pa ng panahong makapag-promote nang maayos at napulido pa ang pelikula at nauna na lang sana ang isang Viva Film na handa na noon pa na Itutumba Ka Ng Tatay Ko ni Janno Gibbs?

Sabi ng ni Direk Joel Lamangan, “Balik na ba sa dati ang matamlay na pasok ng tao sa pelikula, ngayong tapos na ang MMFF?”

xxx

Parang may Ronaldo Valdez Festival next week sa box office dahil sabay ang showing ng Good Game (GG) The Movie with Donny and Maricel Laxa-Pangilinan at ng Itutumba Ka Ng Tatay Ko with Janno Gibbs and Xia Vigor na parehong kasama si Tito Ronnie.

Ngayon, ano kaya ang mas magandang pelikula at ano kaya ang mas tatangkilikin ng tao? Hintayin natin ang sagot.

xxx

Totoo kaya ang sinabi ni Liza Diño na may apat na Filipino short films sana na ifi-feature sa Directors’ Fortnight ng Cannes na dineadma raw ng kasalukuyang Film Development Council of the Philippines?

Ano kaya ang nangyari rito Chairman Pip (Tirso Cruz III)?

Totoo rin kayang dahil “dineadma” raw ng FDCP, sinalo na lang ito ng kumpanya ni Liza?

xxx

Sa Feng Shui, Dragon year kaya swerte ang mga katulad ni Pokwang.

Does this mean, magiging pabor sa kanya ang legal battles niya?

Payapa na kaya siya sa isyu ng kanyang custody sa anak? Makukuha na kaya niyang mapatawad ang dati niyang asawa na si Lee O’Brian?

Ow, nasa bansa pa ba si Lee?

xxx

Nakakaloka lang ang mga pribado dapat na mga transaksyon at negosasyon ay ngayon isinasapubliko na. Take the case of Ian Veneracion and Ronald Carballo. Kinailangan ba talagang isapubliko ‘yan?

Tapos ito naman ang isang Fujiwara na may paratang kina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza? Ganu’n na nga ba ang kalakaran ngayon? Singilan o negosasyon via public social media posts?

“Ang DRAGON at DOG ang pinakamagkakontra ngayong taon. Dahil sa conflict ng dalawang ito, kikita ang lawyers, mediators at life coaches.” – Marites Allen, Feng Shui expert

Read more on philstar.com