Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Diplomatic protest pa inihain ng Pinas vs China | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naghain na ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng diplomatic protest laban sa China matapos ang pagbangga nito sa resupply boat ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at patrol vessel ng Philippine Coast Guard (PCG) sa bahagi ng Ayungin Shoal.

Sinabi ni DFA spokesperson Teresita Daza na ginagawa na ng Pilipinas ang lahat ng posibleng aksyon na nararapat kabilang dito ang pagtawag sa Chinese ambassador kahapon ng umaga.

Subalit wala umano sa bansa si Chinese Ambassador Huang Xillian at ni-represent lang ito ng deputy chief of mission ng embassy na siyang nakipagkita sa Assistant Secretary for Asia Pacific Affairs Aileen Mendiola-Rau sa DFA.

Ayon kay Daza, wala pa siyang impormasyon kung ano ang napag-usapan sa meeting ng dalawang opisyal.

Subalit giit ni Daza, nagpahayag na sila ng matinding diplomatic protest at inisa-isa ang paglabag ng Chinese Coast Guards matapos na banggain ang dalawang barko ng Pilipinas.

Simula 2020 may kabuuang 465 diplomatic protests ang inihain ng Pilipinas laban sa China, sa naturang bilang ,122 dito ay sa ilalim ng admi­nistrasyong Marcos.

Paulit-ulit na rin nanawagan ang Pilipinas sa China na itigil ang kanilang “provocative actions”.

Read more on philstar.com