Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Distance Swim ng SLP, lalarga sa Nob. 25-26 | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tinatayang aabot sa 800 batang swimmers ang inaasahang sasabak sa ikalawang serye ng The Distance Swim Super Series na nakatakda sa Nobyembre 25-26 sa Muntinlupa Aquatics Center, Brgy. Tunasan,  Muntinlupa City.

Inorganisa ng Swim League Philippines, sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang  Lungsod ng Muntinlupa, ang torneo ay bukas sa lahat ng batang swimmers anuman ang kinabibilangang swimming club at organisasyon.

“Kaisa ang Swim League Philippines (SLP) sa panawagan ng Philippine Aquatics Inc., (PAI) para sa kooperasyon at pagkakaisa para wakasan ang pagkakahati-hati sa aquatics community. Lahat tayo, ang layunin ay mapalakas ang sports sa pamamagitan nang pagkakaroon ng matatag na grassroots development program,” pahayag ni SLP president Fred Ancheta-Galang.

Bukas ang torneo sa mga swimmers na nasa Class A, B, C, D at Motivational category.

 Iginiit ni Ancheta na may dibisyon din para sa Para-swimmers at mga coaches, dating atleta at trainors (Masters).

“May mga fillers na kaming natanggap from different swimming clubs and at this early aabot tayo ng 800,” sambit ni Acheta.

Para sa mga nagnanais pang makiisa at interesadong lumahok, makipag-ugnayan sa SLP Secretariat sa mobile no. 0917-7140077 o magpadala ng mensahe sa [email protected]. Maaari ring magpadala ng lahok sa [email protected].

Ipinahayag din ni Ancheta ang matagumpay na pagtatapos sa isinagawang SLP-AOSI tryouts para sa binubuong koponan na isasabak sa Asian Open School Invitational (AOSI) Aquatic Championships sa susunod na taon sa Bangkok, Thailand.

Isinagawa ang tryouts sa mga torneo ng SLP simula nitong October 7 (Muntinlupa Aquatic Center), October 14 (Cebu City), October 14 (Isabela City) at October 28 (Rizal Memorial Sports Complex).

Read more on philstar.com