Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

EJ rumesbak sa basher | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dismayado si Asian Games gold medalist EJ Obiena sa doping allegations sa social media — bagay na pinagpa-planuhan ng kampo nitong dalhin sa legal na usapan.

Isang post ang shinare ng isang magazine na nag­lalaman ng artikulo kung saan sinabi ni Obiena na kaya nitong talunin si world No. 1 Armand Duplantis sa Paris Olympics.

Naglagay ng komento si Anais Lavillenie — asawa ni 2012 Olympic men’s pole vault gold medalist Renaud Lavillenie — at sinabi nitong ‘Obiena doped and it’ll fall like Braz. Same coach, same plan, same objective!’

Nakarating sa kampo ni Obiena at agad itong na-screenshot.

Ibinahagi ni Obiena ang kanyang nararamdaman sa kanyang social media account.

Galit ito sa mga aku­sasyon. Pinag-aaralan na ng kampo ni Obiena na gawan ito ng legal na aksyon.

Naniniwala si Obie­na na dahil sa kanyang tagumpay kaya ito nakaka­tanggap ng mga hate comments.

“I want to remain classy and dignified on this subject. All I will say is I am disappointed, angry and feel wronged by these statements. I will let the story evolve while my team explores the many angles including legal. I guess this is part of the price you pay when you win,” ani Obiena.

Si Thiago Braz ang tinutukoy ni Anais sa komento.

Nakasungkit si Braz ng gintong medalya noong 2016 Olympic Games sa Rio de Janeiro, Brazil.

Subalit nasuspinde ito matapos magpositibo sa ostarine na ipinagbaba­wal ng World Anti-Doping Agency (WADA).

Hawak noon ni Ukranian legend Vitaly Petrov si Braz.

Si Petrov ang kasaluku­yang coach ni Obiena.

Kaliwa’t kanan naman ang nagtanggol kay Obie­na kung saan may nagkomento pa ng pagiging ‘bitter’ ni Anais.

Wala na ang komento ni Anais sa post.

Read more on philstar.com